OFWs sa Lebanon may P150K kapag umuwi ng Pinas

Nanawagan ang mga pamilya ng mga Pinoy workers sa Lebanon sa pangunguna ng Migrante International na nagsagawa ng rally sa harap ng Department of Foreign Affairs, sa Roxas Boulevard, Pasay City na hinamon na agad magsagawa ng plano para sa asiste at pagsagip sa mga Pinoy na apektado ng giyera ng US-Israel laban sa Lebanon.

MANILA, Philippines — May naghihintay na tig-P150,000 na naghihintay para sa bawat overseas Filipino worker (OFW) mula Lebanon na uuwi sa bansa kahit pansamantala lang dahil sa giyera doon.

Ito ang napag-alaman ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa pakikipagpulong niya kamakailan sa mga opis­yal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ginawa ni Tulfo ang pakikipag-usap kay OWWA Administrator Arnel Ignacio para malaman ng House leadership sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang status ng repatriation ng mga Pinoy sa bansang Lebanon.

“Base sa briefing na ibinigay sa atin ni Admin. Ignacio, may 100,000 pa daw na mga Pinoy ang nasa Lebanon,” ayon kay Cong. Tulfo.

Aniya, “OWWA assured us na naka-ready sila lalo na ang Department of Migrant Workers (DMW) at sapat ang pondo para pauwiin ang mga naiipit na OFW doon.”

Bukod daw sa pamasahe na sasagutin ng DMW at OWWA, may P150,000 pa na cash ang naghihintay sa kanila pagdating nila sa Pilipinas.

Ayon naman kay ­Tulfo, mahigpit na binabantayan ng kongreso ang mga kaganapan hindi lang sa Lebanon kundi sa Israel at Iran na rin.

Show comments