^

Police Metro

Laguna Congw. Matibag walang kalaban sa election

Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang makakalaban sa muling pagtakbo ni Laguna 1st District Rep. Ann Matibag sa kanyang ikalawang termino matapos na walang naghain ng kandidatura sa deadline noong Martes.

Habang sa ika-2, 3 at 4 na distrito ng lalawigan ay may mga maglalaban para makaupo sa House of Representatives base sa huling araw ng ­filing ng candidacy sa Sta. Cruz, Laguna.

Pinasalamatan ni Mati­bag ang taum­bayan sa San Pedro City sa pagtitiwala nito sa kanyang pamumuno sa loob ng tatlong taon nang magwagi noong 2022 matapos maging miyembro Laguna Provincial Board ng distrito mula 2019 hanggang 2022.

Si Matibag ay isa sa principal author ng Republic Act (RA) 11984 o No Permit, No Exam prohibition act, RA 11982, or the Expanded Centenarians Act, at RA 11959 Regional Specialty Centers Act.

Bukod sa mga nagawang batas nakagawa rin si Matibag ng mga major projects tulad ng pagtatayo ng two-storey two classroom public school building sa Langgam Elementary School, six finished projects ng Multi-Purpose Buildings, at namigay ng ayuda sa mga ospital at benepisaryo.

Kasalukuyan ay may ginagawang konstruksyon ng limang bagong public-school building sa Southville 3A National High School na kauna-unahang digital school sa San Pedro City sa tulong ng mga private sectors.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with