Trader pumalag sa holdap, tinodas

Kinilala ang nasawing biktima na nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan na si Ruel Bañas Macasinag, may asawa at residente ng Balod St., Congressional Exit, Brgy. Culiat, Quezon City.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang 47-anyos na negosyante nang pagbabarilin ng mga holdaper sa loob ng kanyang tindahan kamakalawa ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ang nasawing biktima na nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan na si Ruel Bañas Macasinag, may asawa at residente ng Balod St., Congressional Exit, Brgy. Culiat, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), na bago naganap ang krimen, alas-11:20 ng umaga ay nasa loob ng kanyang sari-sari store ang biktima na matatagpuan sa Brgy. Culiat nang dumating ang dalawang armadong suspek na sakay ng itim na Honda click motorcycle.

Bumaba ang backrider at agad na tinutukan ng baril ang biktima saka nagdeklara ng holdap.

Subalit nanlaban umano ang biktima nang ­tangkaing agawin ang baril ngunit nadulas kaya’t dito na siya pinagbabaril ng suspek.

Nang makitang duguan ang biktima ay tumakas ang mga suspek patungo sa hindi malamang destinasyon sakay ng kanilang getaway motorcycle. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

Show comments