^

Police Metro

Pinoy na nakapatay ng Saudi national, binitay - DFA

Malou Escudero - Pang-masa
Pinoy na nakapatay ng Saudi national, binitay - DFA
The skyline of Riyadh, Saudi Arabia, March 28, 2014, is seen at night in this aerial photograph from a helicopter.
AFP/Saul Loeb

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pinoy ang binitay sa Kingdom of Saudi Arabia dahil sa pagpatay sa isang Saudi national.

Sa isang mensahe, sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na ginawa ng ahensiya ang lahat ng makakaya hinggil sa kaso ng akusadong Pinoy, kabilang ang pagpapadala ng presidential letter of appeal, ngunit hindi naging matagumpay ang mga pagsisikap nito.

“No official confirmation from Saudi authorities yet but yes, our Embassy in Riyadh reports that there was an execution. It was for murder of a Saudi national over money,” ani De Vega.

“We did all we could: court appeal, presidential letter of appeal, trying to get the victim’s family to accept blood money. In the end, our efforts were not successful as the victim’s family wanted the death penalty instead of accepting blood money,” aniya pa.

Ayon kay De Vega, ayaw ng pamilya ng pinatay na Filipino ang publicity sa kaso.

Matatandaan na noong Marso 2023, sinabi ng DFA na mayroong 83 Pilipino sa iba’t ibang bansa ang nasa death row dahil sa iba’t ibang mga paglabag.

Sa nasabing bilang, 56 ang nasa Malaysia habang ang iba ay nahaharap sa death row sa United Arab Emirates, Saudi Arabia, Indonesia, Maldives, Sri Lanka, China, Vietnam, USA, Japan at Brunei.

Karamihan sa mga kaso ng death row ay may kinalaman sa ilegal na droga at pagnanakaw.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with