Remulla, nanumpa na bilang bagong DILG chief

Cavite Gov. Jonvic Remulla

MANILA, Philippines — Pormal nang nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Jonvic Remulla bilang bagong Kalihim ng Interior and Local Government.

Pinalitan ni Remulla si Benhur Abalos na nagbitiw sa pwesto matapos maghain ng Certificate of Candidacy (COC), noong Lunes.

 “Ito po ay aking buong pusong tinanggap upang makatulong di lamang sa ating lalawigan kundi para na rin sa buong Pilipinas. Ang aking adhikain mula noon pa man ay ang ipag­tibay ang kakayahan ng lokal na pamahalaan at kapulisan para maging pantay ang karapatan ng lahat at tungo sa mas mabuting kinabukasan,” ayon kay Remulla.

Humingi naman siya ng dasal at suporta sa publiko para matagumpay siya sa kanyang bagong tungkulin.

Show comments