Alice Guo ‘di na tatakbo sa 2025 elections

Dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo faces the Senate probe on illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) on September 9, 2024.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na hindi na siya tatakbong mayor sa susunod na taon

Sa pagpapatuloy nang pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations at Gender Equality, tinanong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada si Guo tungkol sa ulat na muli itong tatakbong mayor ng Bamban.

Sinabi ni Guo na sa ngayon ay hindi na siya tatakbo at haharapin na lamang muna ang mga akusasyon laban sa kanya.

Ayon pa kay Guo, lilinisin muna niya ang kanyang pangalan para maging “fair” sa kanyang mga constituents.

Matatandaang sinabi ng abogado ni Guo na si Stephen David sa mga reporter noong Biyernes, Oktubre 4 na maghahain ang kanyang kliyente ng certificate of candidacy para sa pagtakbong muli sa pagka-alkalde ng Bamban.

Kahapon, Oktubre 8 ang huling araw ng paghahain ng COC.

Show comments