Bersamin, Remulla, Estrella itinalagang caretaker ni Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Habang wala sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay ng kanyang pagdalo sa tatlong araw na ASEAN Summit ay kanyang itinalaga sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Crispin Remulla at Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III bilang caretaker ng gobyerno.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez dahil ang Pangulo ay bumiyahe kahapon sa Lao People’s Democratic Republic para dumalo sa 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits na tatagal hanggang Biyernes.
Sa mga nakalipas na biyahe ng Pangulo sa ibang bansa ay si Vice President Sara Duterte ang naging caretaker ng gobyerno.
Bagamat nasa ibang bansa, maaari pa ring makaugnayan ang Pangulo sakaling may mahalagang usapin na dapat pagpasyahan ng kanyang mga iniwang caretaker ng bansa.
- Latest