Mag-lover may problema sa pera, nagpatayan
MANILA, Philippines — Sinisilip na anggulo ng pulisya ang problema sa pera ang dahilan nang pagpapatayan ng isang maglive-in sa loob ng bahay nito sa General Santos City matapos na umano’y magsaksakan, kamakalawa.
“Based on the statements of the people there, it was the woman who attacked first and the man grabbed the knife from her, and also stabbed her,” pahayag ni Police Major Ari Noel Cardos, PS-3 General Santos Police Station commander.
“There are actually other versions of the incident. But they are still both victims in this case,” dagdag pa ni Cardos.
Nagtamo ng tatlong saksak sa leeg ang babae habang may saksak naman sa dibdib ang lalaki.
Narekober sa crime scene ang kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.
- Latest