Dalaga tinodas ng selosong ex-dyowa

Idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa mga tama ng saksak sa katawan na kinilalang si Sherley Basario, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.

Manliligaw sugatan sa mga saksak

MANILA, Philippines — Isang dalaga ang nasawi habang sugatan ang kanyang manliligaw nang pagsasaksakin ng dating dyowa, kama­kalawa ng gabi sa Brgy. Calibuyo, Tanza Cavite.

Idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa mga tama ng saksak sa katawan na kinilalang si Sherley Basario, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa pagamutan ang manliligaw nito na nagtamo rin ng mga saksak na kinilalang si Marioan Obia, nasa hustong gulang.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-8:30 ng gabi ay nasa loob ng bahay ang magka­sintahan nang biglang dumating ang dating nobyo ni Basario na si alyas Abac na armado ng patalim at walang kaabug-abog na inundayan ng mga saksak ang mga biktima.

Nang duguang bumulagta ang mga biktima ay agad na tumakas ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya.

Malaki ang hinala ng pulisya na matin­ding selos ang motibo ng pagpatay ng suspek nang makita ang dalawa na naglalambi­ngan sa loob ng bahay.

Show comments