^

Police Metro

Last day ng COC filing ngayong Martes na - Comelec

Mer Layson - Pang-masa
Last day ng COC filing ngayong Martes na - Comelec
The stage at the Commission on Elections' candidacy filing venue at Manila Hotel in Manila in October 2024.
Philstar.com / Anjilica Andaya

MANILA, Philippines — Nagpaalala kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato hinggil sa hu­ling araw ng paghahain ng kanilang kandidatura para sa May 2025 National and Local Elections (NLE).

Ayon sa Comelec, mayroon na lamang hanggang ngayong Martes, Oktubre 8, ang mga kandidato upang ihain ang kanilang Certificates of Candidacy (COC) para sa posisyon na nais nilang takbuhan sa eleksiyon.

Sinabi ni Comelec Spokesperson Rex Laudiangco na sa ikapitong araw ng COC filing kahapon, Oktubre 7, ay dumagsa na ang mga kandidatong naghain ng kandidatura sa pagka-senador at party-list groups.

Sa datos ng Comelec hanggang 6:00 PM ng Lunes ay nasa 49 na ang senatorial aspirants na naghain ng COC o mayroon nang kabuuang 127 senatorial candidates.

Nasa 50 naman ang mga grupong naghain ng kandidatura kahapon kaya’t umaabot na sa 137 ang mga grupong lalahok sa party-list race.

Inaasahan naman aniya ng poll body na magiging mas abala sila ngayong araw dahil sa muling pag­dagsa ng mga kandidatong hahabol sa last day ng COC filing.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with