4 todas sa Cavite road crash

MANILA, Philippines — Nasawi ang apat katao sa dalawang aksidenteng naganap sa kalsada sa bayan ng Silang at Indang, Ca­vite, kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rendel Baes, 25; Emmanuel Yanzon, kapwa binata at residente ng Brgy. Tambo, Indang, Cavite; Mickaea Baysa, 15 ng, Brgy. Litlit, Silang, Cavite; at Melboy Biceda, 30, ng Putok 6, Brgy. Balubad, Silang, Cavite.

Batay sa ulat, ang unang insidente ay naganap, alas-5:00 ng madaling araw sa Purok 1, Brgy. Mataas na Lupa, Indang na kung saan ay magkaangkas ang magkaibigang sina Baes at Yanzon sa puting Honda Click at pauwi na galing sa inuman nang sumalpok sa kasalubong na Lorna Express Bus (NFD 2991) at minamaneho ni Edmund Francisco Jr., 41.

Sa lakas nang salpok ay kapwa tumilapon ang magkaibigan na kanilang ikinasawi habang sugatan ang bus driver na si Francisco.

Ang ikalawang insidente ay naganap alas-5:30 ng umaga nang sumalpok ang motorsiklo ng mga biktimang sina Baysa at Biceda sa tractor truck na minamaneho ni alyas Ray Anthony, 32.

Sa lakas ng salpok ay kapwa napuruhan sa ulo ang mga biktima na naging dahilan ng agaran nilang pagkamatay.

Show comments