MANILA, Philippines — Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog Partylist Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre, Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian, at iba pang ahensya ang paghahatid ng halos P100 milyong halaga ng tulong sa may 11,808 benepisyaryo sa Davao Region kasama ang healthcare worker, estudyante, mga kabataan, at mga guro.
Sa ilalim ng flagship program ni Pangulong Marcos na Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), na pinasimulan ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni Speaker Romualdez at DSWD bilang implementing agency, inanunsyo ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada ang payout ng AKAP sa iba’t ibang sektor sa Davao Region para sa libu-libong indibidwal at pamilya na may kabuuang halagang P91.955 milyon.
Sinabi ni Gabonada na ang AKAP payout ay ginanap noong Oktubre 2 sa Davao de Oro State College (DDOSC) New Bataan Campus, kung saan 2,190 estudyante ang nakatanggap ng tig-P2,000 tulong o kabuuang P4.38 milyon.
“This is the commitment of the Marcos administration and the House of Representatives under Speaker Romualdez’s leadership in partnership with Tingog Partylist, government agencies, and local officials to continue supporting Filipinos in need, especially in the face of challenging times,” ani Gabonada.
Sa kaparehong araw, sinabi ni Gabonada na ang tanggapan ni Speaker Romualdez, Tingog, DSWD, at iba pang partner ay nanguna rin sa payout sa Davao Regional Medical Center (DRMC) sa Tagum City.
Natulungan din sa ilalim ng AKAP noong Oktubre 5 ang 1,721 guro sa pribadong paaralan sa Tagum City na nakatanggap ng tig-P5,000 o kabuuang P8l605 milyon.