Babaeng chinese nagtangkang mag-suicide sa NAIA!

Nagulantang ang mga tao at personnel sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City matapos na isang Chinese national na babae ang nagtangkang magpakamatay kahapon. Sinisiyasat pa ng airport authorities ang insidente.

MANILA, Philippines — Dahil sa desperasyon matapos na hindi pasakayin sa eroplano, isang babaeng Chinese national ang nagtangkang magpakamatay at nagwala sa Ninoy Aquino International Aiprort (NAIA) Terminal 1, sa Pasay City, nitong Biyernes.

Ang Chinese na kinilalang si Yafen Wun ay na-offload ng Philippine Airlines Flight PR 525 patungong Kuala Lumpur, Malaysia. Gayunman, pero naresolba rin ito kahapon ng umaga nang payagan na siyang makaalis sa bansa.

Nabatid na nagkaroon ng problema sa kaniyang dokumento si Yafen kung kaya siya hinarang at naiwan ng kaniyang flight dahil wala pa siyang exit clearance.

Lumalabas na nagtangkang tumalon sa West Departure Curbside Area si Yafen dakong alas-6:50 ng gabi, na agad naagapan ng security guard na si Gian Carlo Andres, at kasunod nito ng kanyang pagwawala at nagtatapon ng mga gamit, habang umiiyak at humiga sa parking space. Napayapa rin siya ng mga airport personnel at dinala sa police station.

Natukoy na ang pasahero ay nag-overstaying sa bansa kaya hinarang ng Immigration officers.

Kabilang si Yafen sa mga manggagawa ng POGO na boluntaryong aalis ng bansa matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagsasara ng operasyon ng POGO.

Sa pamamagitan ng isang interpreter ng PAL, napag-alaman na nagpahayag si Wun na gusto niyang umalis ng Pilipinas ngunit walang sapat na pera para pambayad sa pagproseso ng kanyang exit clearance.

Show comments