^

Police Metro

Enrile, Reyes at Napoles absuwelto sa kasong plunder

Angie dela Cruz - Pang-masa
Enrile, Reyes at Napoles absuwelto sa kasong plunder
Dumalo kahapon sina dating senator at ngayon ay Chief Presidential Legal ­Counsel Juan Ponce Enrile; Janet Lim-Napoles; at Gigi Reyes, dating aide ni Enrile sa promul­gation ng Sandiganbayan sa Quezon City sa kasong PDAF scam na kung saan silang tatlo ay inabswelto.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inabsuwelto ng Sandiganbayan si dating Senador at ngayon ay Presidential legal Counsel Juan Ponce Enrile kaugnay ng kinakaharap na kasong pandarambong na may kinalaman sa pork barrel fund scam.

Bukod kay Enrile, inabswelto rin ng Sandiganbayan sa kasong plunder ang Chief of Staff ni Enrile noong siya ay Senate President pa na si Jessica ‘Gigi’ Reyes at maging ang negosyanteng si Janet Lim Napoles na sinasabing utak ng PDAF Scam.

Ayon sa 3rd Division ng Sandiganba­yan, bigong patunayan ng prosekusyon sa pamamagitan ng mga ebidensya na sangkot si Enrile sa kasong plunder.

Dahil sa pagkaabswelto dito ay lifted na ang nakalabas na hold departure order laban kay Enrile at Reyes.

Sa panig ni Napoles ay patuloy itong makukulong dahil sa conviction sa mga naunang kaso na ipinataw sa kanya ng korte.

Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y maanomal­yang paggamit sa P172 milyong halaga ng Priority Develop­ment Assistance Fund noon ni Enrile na idinaan sa mga bogus na NGO’s ni Janet Lim Napoles.

JUAN PONCE ENRILE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with