Principal inaresto sa pangmomolestiya ng apat na Grade 10 students
MANILA, Philippines — Isang 59-anyos na may alyas na “Bon”, school principal ang naaresto sa isang follow-up operation sa Cainta, Rizal matapos ireklamo ng pangmomolestiya umano ng apat na lalaking Grade 10 students na nangyari sa isang eskwelahan sa Quezon City.
Sa ulat, araw nang Sabado ay pinapunta ng principal ang ilang estudyante kahit na walang pasok, para magpatulong umano sa pag-print ng mga certificate.
Pinapunta sa kusina ang isa sa mga biktima kung saan sumunod ang principal.
“Doon po niya tinatanong kung ilang taon na raw po ako kung nagamit ko na raw yung pagkalalaki ko. Tapos hinawak hawakan na po niya doon na po niya sinimulan panghahalay sa akin. Hanggang sa natigil lamang po ito nung kumatok yung isa sa aking kaibigan, binuksan yung pintuan po,” kwento ng biktima.
Bukod dito, may tatlo iba pang estudyante ang minolestiya ng principal.
Ang apat na lalaking biktima ay pawang mga edad 17, at tatlo naman ang 15 years old.
“Pinatawag sila ng kanilang principal na may ipapagawa sa kanila. Yung isa nga inutusan magluto yung iba naman naglilinis. Yung isa doon ang unang nabiktima doon 17 years old nga ginawan ng isang kahalayan nasundan pa nung tatlo pa. Yung huling menor de edad na victim natin tumakbo at naitulak itong suspek at diretso nagsumbong sa kanyang mga magulang,” pahayag ni Police Lt. Col. Macario Loteyro, ang station commander ng Project 6 Police station.
Nasa kustodiya na ng Project 6 Police Station ang suspek na sinampahan ng reklamong lascivious conduct in relation to Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Inaalam pa ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) kung may iba pang estudyante na nabiktima ang suspek.
- Latest