MANILA, Philippines — Nakabantay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kaganapan matapos ang pagsabog ng bulkang Taal nitong Miyerkules ng hapon.
Sinabi ng Pangulo, hindi na kailangang magbigay ng direktiba dahil alam na ng mga lokal na opisyal ang gagawin sa mga panahong mayroong kalamidad, lindol o pagsabog ng bulkan.
Nakalatag na aniya ang standard operating procedures sa mga ganitong pagkakataon at ang ginagawa na lamang ng national government ay imonitor at alamin ang mga lugar na dapat tutukang mabuti.
Kapag aniya kailangang ilikas na ang mga tao ay agad na pakikilusin ang mga local government unit kaya nakatutok ang Palasyo sa mga kaganapan sa pag-alburoto ng bulkang taal.
“Right now, Phivolcs is saying huwag muna natin alalahanin masyado, but I am sure they will play it safe. Kapag kailangan, we will move people out of the danger like we always do. So that is what we are monitoring,” dagdag ng Pangulo.