^

Police Metro

Quezon Gov. Tan ipagpapatuloy ang mga nasimulang proyekto

Tony Sandoval - Pang-masa
Quezon Gov. Tan ipagpapatuloy ang mga nasimulang proyekto
Ipinakita ni Quezon Governor Helen Tan ang kanyang certificate of candidacy para muling tumakbo bilang gobernadora sa lalawigan sa Mayo 12, 2025 elections.

MANILA, Philippines — Ipagpapatuloy ni ­Quezon Governor Helen Tan ang mga nasimulang proyekto at programa para sa ikauunlad ng lalawigan at mga kababayan.

Ito ang sinabi ni Gov. Tan sa kanyang paghahain ng Certificate of Candidacy para sa pagkandidato bilang gober­nadora sa gaganaping National at Local Elections sa Mayo 12, 2025.

Binigyang-diin ni Gov. Tan ang hangarin na maipagpatuloy ang kanyang sinimulan na tunay, mahusay at responsableng pamumuno para sa kagalingan ng lalawigan ng Quezon kung kaya’t nakahanda muli siyang mag­lingkod ng buong-puso.

Matatandaang nitong nakaraang Setyembre 30 ay ginanap ang kanyang ikalawang Ulat sa Lalawigan kung saan sa kabila ng maraming sulira­ning kinaharap, marami na ring mga pagbabago, progreso, at kaunlarang natamasa ang Quezon Province na nakaayon sa HEALING Agenda.

Maliban naman aniya sa HEALING Agenda, ay tuloy pa rin ang kanilang direksyon sa pag-ikot sa may 41 munisipalidad ng lalawigan para ipagpatuloy ang mga programa at proyekto sa mga kalalawigan.

Kasabay na naghain ng kanilang pagkandidato ang iba pang mga opisyal sa lalawigan ng Quezon tulad nila Vice Governor Third Alcala, 1st District Congressman Mark Enverga, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, 4th District Congressman Atorni Mike Tan, at Doc Kim Tan na tatakbong bokal sa ikalawang distrito.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with