^

Police Metro

Pulis na sangkot sa road rage sa Valenzuela, sinibak sa pwesto

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni PNP Civil Security Group (PNP-CSG) Spokesperson Lt. Col. Eudisan Gultiano na sinibak na sa pwesto ang pulis na nasangkot sa road rage sa Valenzuela City na nag-viral sa social media.

Ayon kay Gultiano, pansamantala munang ina­lis sa kaniyang pwesto ang pulis na may ranggong Police Staff Sergeant matapos na mag-viral ang ginawa nito sa isang trak drayber na nilabasan niya ng baril at pinosasan dahil sa away sa trapiko.

Ayon naman sa pulis na sangkot, hinabol niya ang trak drayber matapos na masagi nito ang kaniyang kotse subalit hindi huminto at nang maabutan ay nilabasan niya ito ng baril, pinababa sa trak, pinadapa at pinosasan ang biktima.

Isinuko na rin ng pulis, na nakatalaga sa CSG Satellite office sa Fairview, ang kaniyang service firearm habang iniimbestigahan ang kaso.

Itinanggi rin ng nasabing pulis gayundin ng trak drayber na may naganap na barilan katulad ng sinabi sa viral post sa social media kaya nga nagkaroon ng pag-uusap ang dalawang partido at nagkasundo.

Sa kabila ng pag-aayos sa barangay ng pulis at biktimang trak drayber, sinabi ni Gultiano na sasampahan nila ang pulis ng kasong administratibo dahil sa kaniyang ginawa.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with