Binatilyo nasagasaan, nagulungan ng trak

MANILA, Philippines — Nalasog ang katawan ng isang 16-anyos na bina­tilyo matapos magulu­ngan at masagasaan ng trak, kamaka­lawa ng ­umaga sa Quezon City.

Namatay noon din ang hindi pa nakikilalang biktima habang nasa kustodiya naman ang suspek na si Freddie Gersava, 46 ng Road 1 Brgy. Minuyan, SJDM City Bulacan.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente, alas-11:00 ng umaga nitong Miyerkules sa harap ng isang condominium sa Barangay Pasong Putik, Quezon City.

Sa kuha ng CCTV ng barangay, makikitang tumawid ang biktima patungo sa kabilang linya nang mabangga ng truck.

Pumailalim ang biktima sa truck at saka siya nakaladkad ng ilang metro bago huminto ang truck na may plakang ABT 1712.

Ayon sa rumes­pondeng kawani ng barangay, nakaipit sa gulong ng sasakyan ang katawan ng biktima nang madatnan nila.

Show comments