^

Police Metro

Catanduanes niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Angie dela Cruz, Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang bayan ng Bagamanoc sa Catanduanes kahapon ng alas-5:19 ng umaga kung saan inaasahan ang aftershocks.

Batay sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang epicenter ng tectonic earthquake at sa silangan ng Bagamanoc na may lalim na 38 kilometers.

Sa lakas ng lindol sa Catanduanes, ilang istruktura lalo na ang classroom ang nagkaroon ng danyos.

Sinabi ni Arch. Deo Moreno, hepe ng ­Disaster Risk Reduction Manage­ment Office ng Department of Education regional office sa Bicol na may natanggap silang inisyal na ulat mula sa schools division office ng Catanduanes na may classroom sa Sta. Rosa Elementary School sa bayan ng Viga ang nagkaroon ng crack o lamat. Naghihintay pa umano sila ng report kung may naging danyos pa sa ibang paaralan.

Naramdaman naman ang intensities sa ilang lugar: Intensity I sa Irosin, Sorsogon; Jose Panganiban, Camarines Norte; Claveria, Masbate; Bulusan, Sorsogon; at Gandara, Samar. Intensity II: General Nakar, Quezon; Legazpi City, Albay; Daet, Camarines Norte; Iriga City, Ragay, and Sipocot, Camarines Sur; at San Roque, Northern Samar; Intensity III: Mercedes, Camarines Norte; Caramoan, at Sagñay, Camarines Sur; at Sorsogon City, Sorsogon; Intensity IV: Virac, Ca­tanduanes; at Tabaco City, Albay.

LINDOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with