MANILA, Philippines — Maaari na ngayong laruin sa online gamit lamang ang cellphone ang mga kinagiliwang laro ng mga Pinoy sa mga peryahan sa nagdaang mga taon lalo na sa mga probinsiya.
Ito ay makaraang ilunsad ng BingoPlus ang top platform para sa digital entertainment ang bagong laro na Pinoy Drop Ball na kawiwilihan ng maraming Pinoy dahil sa kakaiba nitong hatid na excitement dahil sa naidesenyo ito para magkaroon ng nostalgic perya experience ang mga Pinoy na mamahalin ng marami.
Kabilang sa Pinoy Drop Ball ang DigiPlus’ na popular lineup sa digital games kabilang ang Bingo, Tongits, at Perya Games.
Ang Pinoy Drop Ball ay kauna unahang live-streamed drop ball game sa Pilipinas na magbibigay ng bagong standard sa digital perya gaming na may bagong panlasa na kaaaliwan ng mga Pinoy dulot ng authentic at culturally resonant entertainment na katatampukan ng mga tradisyon na sinamahan ng teknolohiya.
Tiniyak ng BingoPlus na ang bagong laro ay dumaan sa masusing requirement at may lisensiya ang lahat ng pasilidad mula sa PAGCOR.
“As a brand deeply rooted in Filipino culture, it has been our mission to elevate traditional Pinoy entertainment and bring this experience to the modern age. Like our well-loved Filipino games Bingo Mega, Color Game, and Papula Paputi, Drop Ball promises to reignite your excitement and engage you further in the BingoPlus platform,” sabi ni DigiPlus Interactive Corp. Chairman Eusebio H. Tanco.