^

Police Metro

Parak utas sa salpok ng motor

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang aktibong pulis matapos ang minamaneho nitong motorsiklo ay sumalpok sa isang motorsiklo habang bumabagtas sa kahabaan ng Gen. Aguinaldo Highway, Brgy. Panapaan 2, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang biktima na si P/Master Sergeant Tito Lacambra Jr., 39, mi­yembro ng PNP-Special Action Force, residente ng Blk. 19, Lot 5, ­Cyber Ville, Santiago, Gen. ­Trias City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kahabaan ng Brgy. Panapaan 2, Bacoor City para pumasok sa Maynila nang masalpok ang  kasalubong na motor patungo ng Imus, Cavite na minamaneho ni alyas Rodolfo, residente ng  Palm Grove Village, Buhay na Tubig, Imus City, Cavite.

Sa lakas ng impact tumilapon ang biktima na nagtamo ng mga bali at gasgas sa katawan at napuruhan din sa ulo.

Naitakbo pa ito sa St. Dominic Hospital and Medical Center, subalit hindi na naisalba pa. 

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang suspek na kasalukuyan na ngayong nakakulong.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with