MANILA, Philippines — Burado na mula sa pagkakautang na P124 milyon ang may 3,527 na magsasaka sa Tarlac.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pamamahagi ng 4,663 Certificates of Condonation and Release of Mortgage sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Paniqui, Tarlac, sinabi nito na malaking tulong sa mga magsasaka ang pagbura sa pagkakautang ng mga magsasaka.
Kabilang sa mga binuradong utang ay ang unpaid principal amortizations, interest at surcharges ng mga ARBs sa agricultural lands na iginawad sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program dahil sa nilagdaang Republic Act 11953 or the New Agrarian Emancipation Act (NAEA) ni Pangulong Marcos noong Hulyo ng nakaraang taon.
Pinayuhan naman ni Pangulong Marcos ang mga magsasaka na samantalahin ang oportunidad at pagyamanin ang mga lupang sinasaka.