^

Police Metro

Binata todas sa hazing ng fraternity

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 18-anyos na binata na biktima umano ng hazing ang nasawi kahapon sa Barangay San Anton, San Leonardo, Nueva Ecija.

Kinilala ang nasawi na si Ren Joseph Bayan, ng Purok 6, Barangay San Pablo, Jaen ng nasabing lalawigan.

Kinilala naman ang dalawang suspek na si Baron Cabado at ­Patrick Guinto, pawang mi­yembro ng isang fraternity, residente Brgy. San Pablo, Jaen, na ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya.

Ayon pa sa report, nagtungo sa Jaen Police Station ang kamag-anak ng biktima at inireport sa mga pulis ang pagkamatay umano sa hazing ng binatilyo.

Sa ginawang initial investigation at mga naka­lap na impormasyon mula sa mga testigo, nalaman na alas-5:00 ng hapon kamakalawa nang dalhin ng mga suspek ang katawan ng biktima sa kanilang tahanan sa Brgy. San Pablo, Jaen, Nueva Ecija at agad na tumakas.

Humingi na ng tulong ang Jaen MPS sa Nueva Ecija Provincial Forensic Unit para sa pagsasagawa ng autopsy para malaman ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

HAZING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with