IED sumabog sa detachment: Pulis nasugatan

MANILA, Philippines — Isang pulis ang nasu­gatan sa nangyaring pagsabog ng improvised explosive device sa Isa­bela City, Basilan noong Linggo ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Basilan Police Provincial Office, alas-9:30 ng gabi ay sumabog ang sinasabing itinanim ang IED malapit sa Community Police Assistance Center (COMPAC) detachment sa Barangay Sunrise.

Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari.

Show comments