2 arestado sa P90 milyong shabu

Kinilala ang dalawang suspek na nagtangkang ipalusot ang mga droga sa Matnog Port na kinilalang sina Arsad Yusof Kabilan, 30, ng Sharif Aguak at Jehamin Kumpi Tato, 21, ng Talitay, pawang ng lalawigan ng Maguindanao.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P90 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang lalaki sa loob ng Matnog Port Compound sa Brgy. Caloocan, Matnog, Sorsogon, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang dalawang suspek na nagtangkang ipalusot ang mga droga sa Matnog Port na kinilalang sina Arsad Yusof Kabilan, 30, ng Sharif Aguak at Jehamin Kumpi Tato, 21, ng Talitay, pawang ng lalawigan ng Maguindanao.

Sa ulat, alas-10:00 ng gabi sa tulong ng mga kasapi ng National Intelligence Coordinating Agency-Manila Northern District katuwang ang Matnog Municipal Police Station, Regional Enforcement Team at Philippine Ports Authority ay inilatag ang “Interdiction Operation” ng PDEA-Special Interdiction Unit laban sa dalawang suspek.

Hindi nakapalag ang dalawang suspek nang arestuhin matapos makuhanan ng bultu-bultong droga at nasamsam ang nasa 18-kilo ng droga at may street value na P90 milyon.

Show comments