Kumakalat na video ni Pangulong Marcos, ibinabala

President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. met with the Filipino community at the New Jersey Performing Arts Center on Sunday (September 18, 2022).

Inaabot na ‘white substance’, peke

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Palasyo ng Malacañang ang publiko na maging mapanuri sa mga kumalalat na video sa ­social media na layuning sirain ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) sa gitna ng kumakalat na video ng isang lalaki na may inabot na puting bagay kay Pangulong Marcos.

Ipinakakalat sa pinekeng video na isang sachet na naglalaman ng ilegal na droga ang iniabot kay Pangulong Marcos.

Paliwanag ng PCO na isang lapel tape na may simbolo ng politikal na Partido ang iniabot ng lalaki na naghihintay na makapag-selfie kay Pangulong Marcos.

Ayon sa PCO, nakadidismaya na ginagamit ang video para ipakalat ang maling naratibo.

Sinabi pa ng PCO na dahil sa pinutol at pina-blur ang video, nagbigay ito ng maling konteksto at nagkaroon ng iba’t ibang haka-haka at pinalalabas na “white substance” ang laman ng sachet.

Kaya payo ng PCO,  mag-isip, magsaliksik at  alamin ang buong kuwento, obserbahan ang mga detalye, at huwag magpaloko sa fake news.

Show comments