Bagyong Julian lumakas, Signal No. 1 sa Northern Luzon
MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang bagyong Julian habang kumikilos sa Philippine Sea ng silangan ng Cagayan.
Alas-5 ng hapon nitong September 28, ang bagyong Julian ay naitala ng PAGASA sa layong 380 kilometro ng silangan ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 90 kilometro bawat oras.
Dulot nito, nakataas ang Signal Number 1 ng bagyo sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, silangang bahagi ng Mountain Province (Natonin, Paracelis), silangang bahagi ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista), Ilocos Norte at sa hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran)
Ngayong Linggo ng hapon, si Julian ay inaasahang kikilos pakanluran timog kanluran o sa pangkalahatang direksyon ng hilagang kanluran hanggang October 1 sa araw ng martes papuntang Batanes-Babuyan Islands area bago lumakas sa may bahagi ng hilaga hilagang silangan sa dalampasigan ng silangan ng Taiwan.
Sa Lunes, inaasahan na si Julian ay magla-landfall o lalapit sa Batanes o Babuyan island hanggang Martes October 1. Patuloy itong lalakas sa buong forecast period at maaabot ang typhoon category sa Lunes, October 1.
Tinaya rin ng PAGASA na hindi maaabot ni “Julian” ang super typhoon category.
- Latest