7 bahay tupok sa sunog sa Las Piñas
MANILA, Philippines — Siyam na pamilya ang nawalan ng tirahan matapos na sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Almanza, Las Piñas City, Sabado ng madaling araw.
Sa inisyal na ulat, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Walter Rosita, sa St. Mary Homes, Almanza, Las Piñas City alas-2:00 ng madaling araw ng Setyembre 28.
Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Las Piñas, F/Chief Inspector Garynel Julian, siksikan at masikip ang mga daan papasok kaya nahirapan silang makapuwesto na nagawan naman ng paraan upang magkasundo na isang hilera lang ang lahat ng firetrucks, kasama ang fire volunteers.
Umakyat lang sa ikalawang alarma ang sunog na ganap na naapula dakong alas-3:40 ng madaling araw. Itinaas ang ikalawang alarma ng 2:24 ng madaling-araw kung saan higit 10 firetrucks at volunteer fire brigade ang rumesponde.
Nasa pitong kabahayan ang nasunog na nagsimula sa isang apartment at mabilis na kumalat. Wala namang nasaktan o nasugatan sa sunog na hindi pa tukoy ng BFP ang sanhi.
- Latest