Kargador, utas sa boga ng taong-grasa

MANILA, Philippines — Isang kargador ang nasawi nang pagbabarilin ng taong-grasa ­kahapon ng madaling araw sa Barangay Balingasa, ­Quezon City.

Kinilala ang nasa­wing si Aldrin Pigos Sausa, 48, residente ng Aguilar St., Barangay 139, Bagong Barrio, Caloocan City. Habang tugis naman ng mga otoridad ang suspek na nakilala lamang sa pangalang “Nelpi”, tinatayang nasa edad 24-30.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang krimen, alas-3:00 ng mada­ling araw sa harap ng No. 477-D. Joseph St. malapit sa Liwasang Bonifacio Shrine, Barangay Balingasa, Quezon City.

Ayon sa saksi, nakita niyang nilapitan ng suspek ang natutulog na biktima hanggang sa humantong sa pagtatalo.

Binunot ng suspek ang kanyang dalang baril at pinaputukan ng ilang ulit ang biktima.

Nang makitang ­duguan ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek dala ang ginamit na baril.

Show comments