Dayuhang rider, patay sa salpok

MANILA, Philippines — Isang Belgian national rider ang nasawi habang ang nasugatan ang ­dalawa pang ­sakay nang sumalpok sila sa isang motorsiklo sa Marilaque Highway sa Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal, kama­kalawa.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Army Station Hospital ang biktimang si alyas ‘Marc,’ isang Belgian national, ng Manggahan, Gene­ral Trias, Cavite dahil sa matin­ding pinsalang tinamo sa ulo at katawan habang sugatan naman ang kanyang angkas na si alyas ‘Jean,’ 43, gayundin si alyas ‘Philip,’ na rider ng nabangga nilang motor­siklo.

Sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, bago naganap ang aksidente, alas-8:10 ng umaga ay kapwa binabaybay ng dalawang motorsiklo ang naturang lugar patungo sa direksiyon ng Sta. Maria, Laguna.

Gayunman, habang papaliko na ang motorsiklong minamaneho ni Philip sa Balikatan Village, Sampaloc, Tanay ay aksidente itong nabangga ng kasunod niyang motorsiklong minamaneho naman ni Marc, angkas si Jean.

Dahil dito, kapwa sumemplang ang mga motorsiklo na nagresulta sa pagkasugat nilang tatlo na kung saan sila ay dinala sa pagamutan ngunit nasawi ang dayuhan.

Show comments