Mangingisda tepok sa suntok ng kainuman

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 34-anyos na mangi­ngisda matapos pagsusuntukin ng kainumang kapit­bahay sa Barangay ­Bukal, Jomalig, Quezon, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Noli Alfun, habang boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang suspek na si alyas Edmund, 26.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen, alas-8:00 ng gabi ay nag-iinuman ang suspek at biktima kasama ang ibang kapitbahay sa bahay ng una nang biglang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Sa gitna nang pagtatalo ay tatlong beses sinuntok ng suspek sa mukha ang biktima na ikinatumba nito at nawalan ng malay tao. Dinala ang biktima sa ospital, suba­lit namatay din.

Show comments