^

Police Metro

Mga pulis na may kaanak na tatakbo sa halalan, ililipat ng puwesto

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Mga pulis na may kaanak na tatakbo sa halalan, ililipat ng puwesto
Members of the Manila Police District (MPD) - Civil Disturbance Management (CDM) conduct final preparations on July 22, 2023 in time for President Bongbong Marcos Jr.’s second State of the Nation Address (SONA) on July 24, 2023.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nakatakdang simulan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang pagtukoy sa bilang ng mga pulis na may kaanak na kakandidato sa 2025 midterm elections upang mailipat ng puwesto.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, tulad ng nakaraang sistema, ginagawa na ito ng Directorate for Personnel and Records Management para matiyak na walang masasangkot na pulis sa partisan politics.

Ang matutukoy na pulis na may kaanak na tatakbo sa kanilang area of assignment ay tiyak na malilipat ng pwesto base na rin sa Standard Operational Procedure na sa PNP.

Pero, mangyayari ito matapos ang paghahain ng Certificates of Candidacy dahil dito malalaman kung sinu-sino ang opisyal na tatakbo sa halalan sa susunod na taon.

Ang filing ng COC ay itinakda ng Comelec sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 8.

Nauna nang nagbigay ng babala si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na hindi niya pahihintulutan na magamit ng mga pulitiko ang mga ­pulis para maimpluwensyahan ang halalan.

vuukle comment

ELECTION

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with