2 vintage bomb nahukay sa Taguig

Ayon sa Taguig Police, nakatanggap sila ng tawag tungkol sa unexploded ordnance (UXO) o mga armas na hindi pa sumasabog na natagpuan sa Brgy. Ligid-Tipas, Taguig City.
The STAR / Rudy Santos, File

MANILA, Philippines — Dalawang hindi sumabog na vintage bomb ang nahukay ng mga manggagawa sa isang construction site sa ­Taguig City noong Lunes.

Ayon sa Taguig Police, nakatanggap sila ng tawag tungkol sa unexploded ordnance (UXO) o mga armas na hindi pa sumasabog na natagpuan sa Brgy. Ligid-Tipas, Taguig City.

Nagsagawa ng threat assessment at evaluation ang Explosive Ordnance Disposal Team (EODT) bago dinala ang mga bomba sa ibang lugar.

Kinilala ng pulisya ang mga vintage na bomba bilang dalawang Mark III 50 lbs GP.

Dinala na ang mga bomba sa opisina ng SECU sa Bonifacio Global City, Taguig para sa pag-iingat.

Show comments