Rider itinumba ng kapwa rider, dedo

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang motorcycle rider matapos barilin sa ulo at katawan ng hindi pa kilalang motorcycle rider habang naghihintay sa Cainta, Rizal, kamakalawa.

Sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, patuloy pang inaalam ang pagkakilanlan ng biktima na nagmaneho ng isang Suzuki motorcycle na walang plaka.

Sa ulat, alas-3:30 ng madaling araw nitong Martes nang maganap ang insidente ng pamamaril sa West Bank Road, harapan ng Alley 90 Lakas Tao, Barangay San Andres, Cainta, Rizal.

Sa inisyal na imbestigasyon, mistulang may hinihintay ang biktima na nakaistambay sa kaniyang motorsiklo nang biglang lumutang ang suspek na sakay din ng hindi pa tukoy na uri ng motorsiklo.

Binaril ng suspek ang biktimang nakatalikod na nagtamo ng bala sa likod ng ulo at katawan.

Show comments