Grade 9 student tinarakan ng kaaway na Grade 11 student

MANILA, Philippines — Isang Grade 9 student ang sinaksak ng kaaway nito na isang Grade 11 student, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Ang biktima na iti­nago sa pangalang alyas Kim, 16 ay nagtamo ng saksak sa katawan habang ang suspek na si alyas Jon, 15 ay nasa kustodiya na ng pulisya at nakatakdang ilipat sa DSWD.

Sa report na nakara­ting kay Navotas City Police chief PCol. Mario Cortes, ang insidente ay naganap, alas-7:00kama­kalawa ng gabi sa Block 25, Phase 2, A-1, NBBS Dagat-Dagatan.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang concerned citizen na nakasaksi kaya agad na rumesponde sa lugar.

Sa isinagawang follow-up investigation ng mga tauhan ng Sub-Station 4 ay narekober kay “Jon” ang kitchen knife na pinaniniwalaang kanyang ginamit na may humigit-kumulang pitong pulgada ang haba.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso bagama’t sinasabing matagal nang may alitan ang dalawa.

Show comments