^

Police Metro

Brgy. chairman, anak todas sa ambush

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Brgy. chairman, anak todas sa ambush
Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Punong Barangay Bello Joseph Valo­rozo, 52-anyos; at anak na si Jumar Valo­rozo, 24, binata at kapwa residente ng Brgy. ­Caronoan, San Juan, Ilocos Sur.
File

MANILA, Philippines — Kapwa idineklarang dead-on-arrival ang isang barangay chairman at anak nitong lalaki matapos na sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek habang bumabagtas sa national highway na sakop ng Brgy. Lap­ting, San Juan, Ilocos Sur, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Punong Barangay Bello Joseph Valo­rozo, 52-anyos; at anak na si Jumar Valo­rozo, 24, binata at kapwa residente ng Brgy. ­Caronoan, San Juan, Ilocos Sur.

Sa ulat, nakasakay ng Mitsubishi mv 1000 van ang mag-ama at binabagtas ang national highway nang dikitan sila ng mga suspek na nakasakay ng motor­siklo at walang kaabug-abog na pinagbabaril.

Ang mag-ama ay  parehong nagtamo ng mga gunshot wound sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Isinugod sa Suero General Hospital ang matandang Valorozo ngunit idineklarang patay samantalang ang anak nito ay dinala naman sa Pira Hospital sa Cabugao, Ilocos Sur at pagkatapos ay inilipat sa Northside Doctors Hospital sa Bantay, Ilocos Sur subalit namatay din.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang mga salarin.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with