Obrero tinarakan ng 2 beses sa dibdib, dedo

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang construction worker matapos na saksakin sa dibdib ng hindi pa nakikilalang suspek, kama­kalawa ng gabi sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Avelino Ababao Labenia, alyas Bunso, 27, ng No. 4 Denmark Street Upper Banlat, Brgy. Tandang Sora ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naglalakad ang biktima, alas-9:00 ng gabi sa harap ng Dela Rosa Compound Upper Banlat ng nasabing lungsod nang biglang sumulpot sa likod nito ang suspek at agad na sinasaksak ang una ng dalawang beses sa dibdib.

Nang bumagsak ang biktima ay agad namang tumakas ang suspek. Habang ang biktima ay dinala sa East Avenue Medical Center na kung saan ay namatay din ito.

Tinitignan ng pulisya anggulo na may kinalaman sa droga ang motibo sa pamamaslang dahil sa record ng CIRAS at PNP E- Rouge’s Gallery ay naaresto ang biktima noong May 27, 2019 sa pagkakasangkot sa droga.

Show comments