Eye glasses, wheelchair ng seniors, PWD sagot na ng PhilHealth

Employees from various departments took time off to spend a fun-filled day with the elderly residents with whom they shared stories and played games.

MANILA, Philippines — Bunsod nang pakiusap ni House Speaker Martin Romualdez sa mga opisyal ng PhilHealth ay sasagutin na rin nito ang mga prescription glasses, crutches, walker at wheelchair.

“Problema talaga ng mga seniors at PWDs ang mga gamit na ito sa pang-araw-araw para sila ay makakilos kung kaya’t naisipan ni Speaker Romualdez na ipasagot na rin sa PhilHealth ang mga ito,” ayon kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo.

Pinulong ni Cong. Tulfo at ang Office of the Speaker ang mga opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ni Pres. Mandy Ledesma sa Kongreso noong nakaraang Huwebes at dito ay pumayag na  sagutin na ang mga kagamitang ito simula sa pagpasok ng taon.

Ayon pa kay Tulfo,” Kadalasan ay mga wheelchair ang hiling ng mga kababayan natin lalo na ‘yung mga senior at PWD pero pinasama na rin ni Speaker Romualdez ang mga salamin sa mata, saklay at walker.”

Humingi naman si Pres. Ledesma ng hanggang sa Enero sa susunod na taon para sa implementasyon ng programa para mabuo ang mechanics ng nasabing programa.

“Bubuuin po namin ang mechanics kung papaano nila ma-avail ang mga wheelchair at salamin, kung saan o anu-anong optical center at mga botika o tindahan nila maaaring makakuha ang mga ito.” sinabi pa ni Speaker Romualdez.

Show comments