Benguet Vice Gov, kinasuhan sa Ombudsman

MANILA, Philippines — Isang grupo ang nagsampa ng kasong graft and corruption sa Office of the Ombudsman laban kay Benguet Vice Gov. Ericson Felipe, kamakailan.

Ayon sa Task Force Kasanag (TFK), may conflict of interest umano ang pagiging vice governor ni Felipe at pagiging may-ari niya ng Tagel Corporation, isang construction firm na may transaksiyon sa gobyerno.

Nakasaad rin sa nasabing reklamo, nakakuha umano ng 30 kontrata ang kumpanya ni Felipe sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagkakahalaga ng P1.35 bilyon noong 2022 hanggang 2023 habang siya ang bise gobernador.

Malinaw umano na isang paglabag sa Republic Act 3019 at 6713 o ang Anti-graft and Ethical Standards of a Government Official.

Idinagdag pa ng TFK, si Felipe ay patuloy na nagmamay-ari ng 60% ng nasabing kumpanya na nagkakahalaga ng P300 milyon.

Ang TFK ay isang civil society group na nakabase sa Cordillera Administrative Region (CAR) at nagbabantay sa mga katiwalian ng mga opisyal sa nasabing rehiyon.

Show comments