Sekyu patay sa saksak ng mister ng misis na iniangkas sa motor

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang sekyu matapos itong pagsasaksakin ng mister ng misis na kaniyang iniangkas sa motorsiklo sa Purok 1, Barangay Cawag, Subic, Zambales, kamakalawa.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakatayo sa daan ang suspek na si Reynante Palen, 41, at hinihintay ang asawa para ito ay sunduin, subalit nakita nito ang paparating na motorsiklo ng biktimang si Neric Cabanilla, 43, kung saan angkas ang kaniyang asawa.

Sa sobrang galit ay sinugod nito ang biktima at inundyaan nang mga saksak sa katawan hanggang bumagsak ito sa sementadong kalsada.

Nagawa naman isu­god ng mga bystanders ang biktima sa San Marcelino District Hospital, subalit idineklara itong dead on arrival. Kaagad naaresto ang suspek sa follow-up operation ng pulisya.

Show comments