^

Police Metro

Palawan election officer, misis pinatay sa bahay

Joy Cantos, Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang municipal election officer at misis nito ang pinatay nang pasukin sa loob ng kanilang tahanan sa Agutaya, Palawan, ayon sa ulat nitong Sabado.

Sa inisyal na ulat ng Palawan Provincial Police Office (PPO), alas-8:30 ng umaga nitong Sabado nang madiskubre ng kanilang mga kapitbahay ang bangkay ni Emmanuel Gacott, municipal election officer ng nasabing bayan at misis nitong si Frenie Gacott sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Cambian ng bayang ito.

Ayon sa pulisya  si Emmanuel ay natagpuang duguan na nakadapa habang ang misis naman nitong si Frenie ay nadiskubre sa may kusina na duguan sa ulo na posibleng hinataw ng matigas na bagay sa ulo.

Sa inisyal na imbestigasyon, pagnanakaw ang nakikita nilang motibo ng krimen dahilan ang mag-asawa ay may pag-aaring pawnshop.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with