^

Police Metro

Barangay chairman sa Ilocos, itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang incumbent barangay chairman ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng gabi sa   Barangay 5, San Silvestre, San Nicolas, Ilocos Norte.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Francisco Bagay Jr., 45, may-asawa at kapitan ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon, pasado alas-6:00 ng gabi, nakaupo sa garahe ng kanyang bahay si Bagay nang dumating ang isang hindi kilalang lalaki at pinagbabaril siya.

Dinala si Bagay sa ospital kung saan idineklara itong dead on arrival dahil sa maraming tama ng bala.

Tumakas ang gunman sakay ng isang motorsiklo na minamaneho ng isang kasamahan.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang apat na fired .45 caliber cartridges at isang fired bullet.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with