84-anyos lolo natupok sa sunog

MANILA, Philippines — Halos hindi na makilala ang isang 84-anyos na lolo nang madiskubre ang sunog nitong katawan sa isinagawang mopping operation sa naganap na sunog sa Barangay San Jose, Antipolo City, kama­kalawa.

Kinilala ng Antipolo City Police Station ang biktimang si Apolinario De Jesus, na natagpuan sa bahagi ng kusina ng natupok na bahay.

Sa ulat na natanggap mula sa Bureau of Fire Protection-Antipolo City, alas-3:55 ng uma­ga ng madaling araw nang matanggap ang tawag hinggil sa nagaganap na sunog sa Sitio San Antonio de Padua, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal na nirespondehan ng mga truck ng bumbero mula sa mga katabing lungsod at barangay.

Pagsapit ng alas-5:40 ng umaga ay naideklara nang fire-out at dito ay nadiskubre sunog na katawan ng biktima na nakahiga sa kusina.

Iniimbestigahan ng BFP at ng Rizal Forensic Unit for Technical Investigation ang sanhi ng sunog.

Show comments