^

Police Metro

Kasapi ng ‘Angels of Death’ ni Quiboloy, hawak ng pulisya

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Region 11 ang sinasabing miyembro ng “Angels of Death” ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy.

Ang Angels of Death ay matatandaang ginamit ni Quiboloy bilang panakot sa kanya umanong mga menor-de-edad na biktima kung saan ay hahabulin sila nito kapag nagkwento ng mga karanasan na kanilang sinapit sa kamay nito.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, bagama’t kanila pang bineberipika ang mga isiniwalat nitong impormasyon, tila nagtutugma naman ito sa naging pahayag ng mga biktima hindi umano ng pangmomolestiya ni Quiboloy.

Base aniya sa rebe­lasyon nito, dati siyang miyembro ng KOJC na tumiwalag na kung saan sila umano ang nagpapataw ng corporal punishment sa mga miyembrong hindi sumusunod kay Quiboloy lalo na sa pastorals.

Matatandaang ang pastorals ay bahagi ng inner circle ng isang pi­ling grupo ng mga kabataang babae kung saan ang pinakabatang edad ay 12-anyos na umano’y nakaranas ng sexual abuse kay Quiboloy.

Paliwanag ni Fajardo, lahat ng mga ibinunyag ng naturang kasapi umano ng “Angels of Death” ay kanilang isusumite sa korte bilang ebidensya.

APOLLO QUIBOLOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with