^

Police Metro

2 rider todas sa banggaan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang dalawang motorcycle rider nang sila ay magbanggaan sa national highway, Brgy. Jordan, Sinait, Ilocos Sur, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na sina Leobert Ilar Noriel, 24, ng Brgy. Cabulalaan, Sinait, Ilocos Sur, driver ng Sym Bonus motorcycle; at ang driver ng Yamaha Sniper na si Edmund Alarde Villapaz, 31, ng Nueva Segovia, residente ng Bayubay Sur, San Vicente, Ilocos Sur.

Sa ulat, patungo sa hilagang direksyon ang Sym Bonus motorcycle na minamaneho ni Noriel at ang ­Nissan Urvan na minamaneho ni Jerome Paez Sanchez, 37, ng Brgy. Mayamot, Antipolo, Rizal,

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente ay nag-overtake umano si Noriel sa Nissan Urvan na eksakto naman sa pagdating ng Yamaha Sniper ni Villapaz na papunta ng kabilang direksyon kaya’t nagkasalubong at nagbanggaan ang dalawang motorsiklo.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang driver ng Yamaha Sniper at aksidenteng nabangga ng Nissan Urvan.

Kapwa nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang dalawang rider ng motorsiklo na dinala sa mga ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival. Hindi naman nasaktan si Sanchez sa insidente.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with