Pulis at misis, 1 Coast Guard arestado sa P13.6 milyong shabu

Kinilala ni Police Regional Office-9 Dir.Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, ang tatlong suspek na sina Police Staff Sergeant Siddih Lajahasan Alliudin, Jr.,misis na si Mardie Abbas Alliudin; at PCG member na si Mohammad Sallie Lito Abbas na kung saan ay nakumpiska sa kanila ang nasa  P13.6 milyon halaga ng shabu.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang pulis kasama ang misis nito at isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naaresto ng mga otoridad sa isang drug buy-bust operation naganap kama­kalawa ng hapon sa Brgy. Boalan, Zamboanga City.

Kinilala ni Police Regional Office-9 Dir.Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, ang tatlong suspek na sina Police Staff Sergeant Siddih Lajahasan Alliudin, Jr.,misis na si Mardie Abbas Alliudin; at PCG member na si Mohammad Sallie Lito Abbas na kung saan ay nakumpiska sa kanila ang nasa  P13.6 milyon halaga ng shabu.

Ayon kay Masau­ding, agad na inaresto ng mga hindi unipormadong mga kasapi ng Regional Drug Enforcement Unit ng PRO-9 at mga operatiba ng Zamboanga City Police Office ang tatlo matapos silang bentahan ng dalawang kilong shabu sa isang entrapment operation sa Zone 6 sa Barangay Boalan sa lungsod.

Show comments