Hindi kami magkaibigan ni Marcos - VP Sara
MANILA, Philippines — Inihayag ni Vice President Sara Duterte na si Pangulong Ferdinand Marcos na kanyang running mate sa “UniTeam” sa nakaraang eleksyon ay hindi niya naging kaibigan kasunod ng pagharap sa House of Representatives.
“Hindi naman kasi kami talaga nagkausap n’yan, hindi kami magkaibigan unang-una. Nagkakilala lang kami dahil mag-running mate kami,” pahayag ni Vice President Duterte.
“Bago pa man kami naging running mate, hindi na kami nag-uusap. Nagkausap lang kami during campaign at saka sa trabaho noon,” dagdag ni Duterte.
“Ang kaibigan ko talaga si Senator Imee Marcos, kilala niya ako since 2012,” wika pa ng Vice President, tinutukoy ang presidential sister.
Sinabi ni Duterte na huli niyang nakausap ang Chief Executive noong Hunyo nang magtungo siya sa Malacañang upang isumite ang kanyang resignation bilang Department of Education (DepEd) secretary.
Opisyal siyang umalis sa Gabinete noong Hulyo 19 at mula noon ay hayagan niyang binatikos ang administrasyong Marcos.
Matatandaan na parehas nanalo si Marcos at Duterte noong 2022 na kung saan nakakuha ng higit 31 milyong boto ang una at higit 32 milyon naman ang huli.
- Latest