^

Police Metro

Qualified human trafficking case vs Alice Guo et al. isinampa na sa Pasig court

Mer Layson - Pang-masa
Qualified human trafficking case vs Alice Guo et al. isinampa na sa Pasig court
Dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo faces the Senate probe on illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) on September 9, 2024.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na kinasuhan na nila ng qualified human trafficking case si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa niyang mga kasamahan sa Pasig City Regional Trial Court (RTC).

Ayon sa DOJ, alas-4:30 ng hapon ng Martes nang ihain sa Pasig RTC ang mga kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, na inamiyendahan ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 at Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.

May kinalaman anila ito sa ginawang pagsalakay sa POGO hub sa Bamban, Tarlac noong Marso.

Bukod kay Guo, sinampahan din ng naturang kaso sina Huang Zhiyang, Zhang Ruijin, Lin Baoying, at iba pa.

Matatandaang si Huang Zhiyang ay una nang tinukoy ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na siyang ‘boss’ ng lahat ng mga boss ng illegal POGOs.

Inaasahan namang kaagad na ira-raffle ng hukuman ang inihaing kaso laban kina Guo upang maidaos ang paglilitis dito.

Una nang pinahintulutan ng Korte Suprema ang hiling ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mailipat na ang pagdinig ng mga POGO-related cases sa Pasig City mula sa Capas, Tarlac.

vuukle comment

ALICE GUO

HUMAN TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with