2 sakay ng motor todas sa semplang

MANILA, Philippines — Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang dalawang sakay ng motorsiklo nang mabagok ang ulo nang bumagsak sa motorsiklo matapos na masagi ng kasabay na motorsiklo  sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Barangay Biga 1, Silang, Cavite.

Kinilala ang mga nasawi na sina alyas Jemel at alyas Jhem, kapwa nasa hustong gulang.

Nasa kustodiya ng pulisya ang motor­cycle rider na nakasagi sa dalawang nasawi na si alyas Armingol, na kinasuhan ng reckless imprudence resulting to double homicide.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang aksidente, alas-11:00 ng gabi ay magkaangkas ang mga biktima sa isang motor at bumabagtas sa nasabing lugar patungo ng north direction.

Kasunod ng mga ito ang motor na minamaneho na suspek at may kabilisan umano ang  patakbo nang nasagian ang motor ng mga una dahilan upang mawalan ng kontrol at sumemplang.

Kapwa sumadsad ang mga biktima at napuruhan ang kanilang ulo at agad dinala sa Estrella Hospital, subalit hindi na ito naisalba pa.

Show comments